|
argh. Monday. 10.27.03 12:40 pm Putangina naiinis na ako sa sarili ko. Tama ba namang mangisay ako sa kilig tuwing nakikita ko litrato nya? E mas bata sa akin yun e! Hindi ko naman talaga alam kung pano nangyari na nagkagusto ako sa kanya. Maganda boses nya, oo - kalaglag panty pa nga e. Pero Jos ko, hindi lang naman sha ang biniyayaan ng Jos ng magandang boses ano? Marami namang iba jan, kasing-edad ko, malapit pa sa akin, kulot din, di hamak na mas gwapo, pero ewan ko ba. Hulog sa kanya e. Nabubuwisit na nga ako kasi parang hindi ko mapigilan sairili ko basta sha na na yung pinag-uusapan. Nakakainis. Ako pa naman yung taong hindi makatagal sa babaeng mashadong malandi pagdating sa lalaki. Yung babaeng parating palaging nangangati yung "ano" basta lumalapit yung kinahuhumalingan nya. Nakakaleche kasi ng araw yung mga ganon e. Parang gusto ko nang lumuhod sa harap nung lalake para magmakaawa na pansinin na nya yung pobreng nene. "UTANG NA LOOB! Lapitan mo na! Para matapos na yung kalbaryo ko!" Pero lintek. Kasama din pala ako dun! O di ba? Parang ang sarap maglaslas ng pulso. Unti-unti ko na tuloy ipinagdadasal na sana hindi na sha pumunta dito. Na hindi na matuloy. Malakas ako kay Lord, baka akala nyo, kaya baka magkatotoo. Di ba, Lord? *sabay kidlat* Lintek, tama na yung ako na lang yung lumuluwag yung garter ng panty basta nakikita ko litrato nya, ayoko naman mahalo sa iba na ipagbibili ang nanay para lang malanghap yung hangin na hinihithit nya, ano? Wag naman ganon. Nakakahiya yun e. Baka naman isipin nung tao na hayok mashado sa kulot ang mga tao dito. Tapos, Jos ko....malamang isasalang pa ako dun sa mga taong kailangan magsulat tungkol sa kanya. Kung kilala ko yung boss ko, matutuwa pa yun pag malaman nya na hindi ako makapagsalita sa harap nun. Patay na naman ako sa alaska! Anak ng kalungkutan naman o...ngayon pa lang ayoko na. 4 Comments. uuy tagalog is this tagalog??? Mionggay... samuwamu
If you are a member, try logging in again or accessing this page here. |
|
NuTang is the first web site to implement PPGY Technology. This page was generated in 0.385 seconds. |
|
| Send to a friend on AIM | Set as Homepage | Bookmark | Home | NuTang Collage | Terms of Service & Privacy Policy | Link to Us | Monthly Top 10s |
| All content © Copyright 2003-2047 NuTang.com and respective members. Contact us at NuTang[AT]gmail.com. | |